Wednesday, September 2, 2009

"WIKANG FILIPINO:Mula Baler hanggang Buong Bansa"

Malaya na ang ating bansa at malaya na rin tayong mga Filipino.Mayroon na tayong sariling wikang pambansa.Wikang Filipino na siyang susi ng pambansang idetidad saan man tayo mapunta at magtungo.Ngunit bakit karamihan pa rin sa atin ngayon ay nagsasalita ng wikang Ingles kahit na mayroon na tayong sariling wika?
Ang sariling wika ay pinakamahalagang sangkap ng ating pagkakakilanlan.Mahalaga dahil dito natin binabatay ang ating pagkaFilipino.Kung gaano natin binibigyang importansiya ang ating wika.Hindi naman natin masasabi na ang ating bansa ay mahalaga kung tayo mismo ay hindi natin ginagamit ang ating sariling wika sa ating bansa.Masmganda sana kung gagamitin natin ang sarili nating wika upang sa gayo'y magkaintindihan tayo at kung saan man tayo magpunta ay matutukoy nila kung saan tayo nagmula.

Ang wika ay para sa ating lahat.Para tayo'y magkakaunawaan sa isa't-isa.Ngunit sa paggamit ng wika ay nagpapatuloy tayong alipin ng wikang banyaga.Tangkalikin natyin ang ating sariling wika dahil ito'y susi ng ating pagkakakilanlan at pag-unlad.At para sa akin ito'y bigay sa atin ng Diyos.

No comments:

Post a Comment